Deretsahan
ni Horacio Paredes
Ang bansa natin ay kauna-unahang nagpadala ng mga atleta sa Olympics noong 1924 sa Paris. Sa sumunod na Olymics sa Amsterdam noong 1928, kumuha na tayo ng Bronze medal sa swimming (Teofilo Yldefonso, 200 m breaststroke). Sa Lons Angeles noong 1932, isa na nama ng tatlong bronze (Simeon Toribio, high jump; Jose Villanueva, boxing at Teofilo Yldefonso na naman — ang kasisa-isang Pinoy na naka 2 medalya sa dalawangg Olympics.) Noong 1936, sa Berlin, bronze na naman (Miguel White, 400 m hurdles).
Iyon ang simula. Hindi na naulit ang medalya ng dalawang dekada. Noong 1964 sa Tokyo kumuha tayo ng Silver (Anthony Villanueva, sa boxing). Mula noon, tatlo pang medlaya sa boxing — dalawang bronze (Leopoldo Serrantes, 1988, Seoul; at Roel Velasco 1992, Barcelona) at isang na namang silver (Mansueto Velasco, 1996, Atlanta).
Ang Pinas ang bansang nakakuha ng a medalya sa Olympics na wala ni isang Gold!
* * *
“Hanggat di tinatangal yang Politika sa Sports walang mangyayari sa bansa, bakit di na lang alisin tutal wala na mang resultang maganda. Sayang lang ang pera ng bayan diyan, hindi solusyon ang taasan ang budget kung sa mga bulsa lang ng mga ganid napupunta. magandang solusyon diyan tangalin lahat ang mga taong humahawak then pag-isahin na lang yang maraming sports commision na yan, kunsumisyon lang naman ang dala nila.
”Isang PMA’er ang dalhin diyan para maganda ang resulta ng training at madisiplina ang lahat ng players, then kumuha ng sponsorship sa private company bawat event upang tiyak ang kanilang allowances at sapat na magandang pagkain sa araw-araw, ang hirap tumakbo o mag- boxing kung ang ulam at pagkain mo ay walang sustansiya.
“Bigayan ng magandang training sa ibang bansa para makapag create ng confidence sa sarili at makakuha ng magandang stroke sa iba, wastong suporta lang ang kailangan ng bawat players uusad tayo. tingnan mo ang North Korea laganap ang gutom pero nasan silang puesto, dahil military style of training ang ginawa nila even ang China. Kaya natin yan wala lang suporta.” — E.M. Guyuran
* * *
“Gusto ko lang pong mag comment tungkol sa naisulat nyo about Olympic.
“Tama po kayo, mga politiko lang po talaga ang nakikinabang dyan sa atin, 15 years napo ako nagtatrabaho dito sa Indonesia, nakikita ko at napapanood din sa tv mga atleta nila. Suportado talaga sila ng Gobyerno nila.
Minsan naiisip ko bakit hindi tayo manalo-nalo sa ibang bansa samantalang kung titingnan natin at pag-aralan ang bawat laro, aba’y kayang kaya din ng Pinoy. Pero. bakit di tayo manalo?
“Opinyon lang po ito, siguro kulang ang gobyerno sa suporta, palakasan kung sino ipapadala at di naman talaga pinipili. Mga opisyales mismo nag-aaway at nagpapakitang gilas. Kung totoo man ito aba’y wala ngang mangyayari sa sports natin. o kahit may suporta sa gobyerno at matitino mga opisyales natin di pa rin tayo makakapili ng magagaling na atleta. Bakit? Kasi karamihan sa mga kabataan ngayon drugs ang pinagkakaabalahan. Aminin po natin na talamak talaga drugs dyan sa atin. Dito sa Indonesia bihira ka makakabalita na may nahuli sa drugs. Pati alak di mabenta dito. Sa araw-araw makikita mo mga kabataan naglalaro ng Soccer at Badminton.” — Adrien, Jakarta Indonesia
# # # #
hvp (08.10.12)

Post a Comment